FOR good na sa Maynila ang Charity Diva na si Token Lizares and this time, nakatakda itong gumawa ng makabuluhang concert along with Mel Sorillano ang binansagang The Singing Soldier na kung saan ang kikitain ay itutulong kay Richard Pinlac pambili nito ng gamot na hanggang ngayon ay nasa recovery stage pa.
Sinunod din nito ang advice ng kanyang PR Manager na si Mercy 'Tamerz' Lejarde na pumirmi muna sa Maynila para tuluy-tuloy ang paggawa nito ng advocacies.
Inamin din ni Ms. Token na 'di muna siya tatanggap ngayon ng raket abroad dahil mas gusto muna niyang mag-focus sa mga upcoming events dito sa ating bansa.
Anyway, kilala si Ms. Token sa kanyang mga charity works at isa sa kanyang nagawa na nakaaantig sa aming puso ay ang pagsaklolo niya sa isang taong
baliw na pagala-gala sa lansangan at nasagasaan. Marami ng charity works na nagawa ni Ms.
Token lalo na sa kanyang hometown sa Negros Occidental.
Isa pang patunay na aksyon agad si Ms. Token ay agad
itong nagpadala ng tulong sa binaril na pamangkin ni tito John Fontanilla.
Nagpoprodyus siya ng concert tapos ang kikitain ay
mapupunta sa kanyang beneficiaries gaya ng mga
batang may grabeng sakit na 'di kayang ipagamot ng kanilang
pamilya.
Sinabi ni Ms. Token na 6 yrs old palang daw siya ay
kumakanta na siya at thankful ito kay God na thru her voice, marami siyang
natutulungan.
What made you realize that Music was your path?
"Formal singing engagement ko talaga si after my
graduation pero I started singing when I was 6 yrs. old, I was grade 1 that
time", panimula ng Charity Diva.
Greatest achievements? "To be able to help a lot of
people thru my concert, my voice na bigay ni LORD".
Musical influences? "Well, a lot of singers na
inspirations ko like Barbra Streisand, Whitney Houston, Celine Dion. Dito sa
local, marami, halos lahat sila gusto ko".
Nakasama na rin nito sa ilang mga concerts na nagawa niya
sina Dulce, Jose Mari Chan, Malu Barry, Michael Pangilinan, Ate Gay, Boobsie
Wonderland, Prima Diva Billy, Richard Poon at marami pang iba. Full support din sa singing career ni Ms. Token si Nay Jobert Sucaldito.
Consolations sa mga kabutihang nagawa?
"Majority ng natulungan ko, masaya ako na nakikita
silang gumaling lalo na si Raul na baliw na nakita ko sa daan. Okey na siya
ngayon, nakakausap na siya ng matino. Nasa pangangalaga siya ng mga
Madre".
Other talent aside from singing? "Composing song.
Napag-iwanan ko na ang pagkompos, mas nag-focus kasi ako as a singer, pero
ngayon, nagbabalik ako as composer and singer. Ngayon nagkokompos ako ng mga
songs na ibebenta ko sa mga interested singers natin. Like ngayon, gumawa ako
ng dalawa, pang-movie themesongs talaga siya, ang Bakit May Ulap Ang Landas? at
Kahit Saktan Mo, may mga hugot talaga. Karamihan kasi sa mga songs na mabenta
ngayon ay mga may hugot dahil lahat naman tayo ay nakararanas masaktan lalo na
pagdating sa pag-ibig. Aminin nating lahat, sumaya at naging malungkot tayo
dahil din sa pag-ibig. Yung mga love songs na may mga hugot, 'yun talaga ang
nakaka-touch sa tao".
Nakipag-collaborate rin si Ms. Token sa kaibigang
magaling na komposer na si Vehnee Saturno at tinatapos na nito ang kanyang CD
Lite na naglalaman ng awiting Til ‘The World is Gone, Ganyan ka Kamahal at Ikaw ang Sagot.
Future plans?
"To do more charity works, eventually, to put up a
free mental hospital in Luzon, Visayas and in Mindanao".
Nakatakda ring magprodyus ng concert si Ms. Token na
gaganapin sa Teatrino Greenhills at Music Museum na alay naman niya sa mga
kasamahan natin sa panulat na may mga sakit.
Gaya ng karamihan sa gustong pasukin ang Showbiz,
pangarap din ng magaling na Singer na umarte on screen.
"Ay Oo...ultimate dream ko rin na makasama sa isang
serye at pelikula. Pangarap ko rin
kasing umarte. Gusto ko ng mga challenging roles pero kung ano ang ibigay
sakin, gagampanan ko, blessings din yun para malaman ko kung ano talaga ang
forte ko, mapa-drama, comedy, horror".
Favorite actress/actors na gustong makaeksena?
“Thankful ako na isa ako sa naging bisita niya nung birthday
niya, syempre the one & only Superstar na si Nora 'Ate Guy' Aunor. Syempre
gusto ko rin si Congw. Vilma
Santos, sina John Lloyd Cruz, ang mga
veteran actresses natin na sina Susan Roces at
Gloria Romero. Sana, once upon a time, makatrabaho ko sila, alam ko
marami akong matutunan sa kanila. Sa comedy naman, tawang-tawa ako 'pag
napanonood ko sina Ai Ai delas Alas,
Pokwang, Bossing Vic, kasi ako, as a person, may pagka-comedy din ako. Masaya
ako na nakasama ko si Kuya Germs nung nabubuhay pa siya", kwento ni Ms.
Token.
***
Mel Sorillano, The Singing Soldier, aktibo rin sa charity works
Sanib-puwersa ang The Charity Diva na si Token Lizares at
Mel Sorillano para sa isang makabuluhang concert.
Matatandaang si Mel ang tinanghal na Ist Singing Soldier
Grand Champion nung 1986 sa Eat Bulaga
at AMWSLAI Battle of The Singing Soldier grand prize winner.
After 21 yrs of service, nag-retired na ito at gusto
nalang umano niyang mag-full time Singer.
"Pag ang service mo ay 20 years kana, pwede ka ng
mag-retired. E ako 21 yrs na, nagdesisyon na akong mag-retired. Gusto kong
mag-full time sa pagkanta, as a performer sa mga hotels like sa RJ Bistro sa
Makati. Gusto kong kantahan ang mga kababayan natin", pahayag ni Mel.
In-invite mo ba ang mga friends mong Sundalo sa concert
mo?
"Yes, in-invite ko sila, yung mga friends ko sa
Army, sa Navy. Actually, manonood sila
ng concert namin sa July 1. Minsan masarap ding mag-unwind, kanta-kanta lang.
Balak ko ngang mag-shows para sa mga kapwa ko Sundalo ngayong panahon ng Kawal
ng Bayan".
Ballad ang genre ni Mel at may Tagalog song ito na Puso
Kong Iyong-Iyo na gawa ni Vehnee Saturno. 1 album palang din daw ang na-release
niya at merun pang naka-pending na 3.
Aminado si Mel na kailangan niya rin ng financial help
pero mas masarap daw ang makatulong sa kapwa kaya lahat ng kikitain sa reunited
concert nila ni Ms. Token ay ibibigay
kay Richard Pinlac na until now ay nasa recovery stage pa.
Kaya dear readers and friends, please support The Charity
Diva & The Singing Soldier concert on July 1, 8pm @ Rj Bistro, Dusit Thani Hotel, Makati City.
Special guests sina Malu Barry (The Sultry Diva), Jeremy
of Music Box & Gem Mascarinas, The Tina Turner of the Philippines.
Special thanks to PR Manager Mercy 'Tamerz'
Lejarde na todo rin ang suporta sa ating
Charity Diva.