Monday, 12 June 2017

King of FB Wheel of Fortune Tyrone Oneza, magpapaaral ng 2 fans; na-hit ang 1-M likes sa FB post; looking for the right girl




WALANG pagsidlan ang kasiyahan ngayon ng King of FB Wheel and Fortune at Balladeer ng Masa na si Tyrone Oneza dahil sa dami ng Tyronenatics na patuloy na sumusuporta sa kanyang singing career and advocacies.


Pinupuri si Tyrone dahil sa kabutihan ng puso nito na makatulong sa kanyang kapwa na walang hinihintay na kapalit.


Nauna nang namigay si Tyrone sa kanyang mga fans ng puhunan sa negosyo, baon ng mga bata, pambayad sa upa sa bahay, kuryente at tubig, pampagamot sa ospital etc.
Namudmod na rin ito ng laptops, cellphones at euros sa mga Tyronenatics na nakahuhula sa mga kanyang mga pahulaan.
Ang latest ay pumili ito ng 
Tyronenatics na pag-aaralin hanggang sa gumradweyt at lucky sina
Jhelo Bernabe Tadeo at
Lyka Panganiban dahil sila ang napili. Sila ang mga deserving students pero kapos sa financial para matustusan ang pag-aaral.
Kami man, saludo sa kawanggawa ni Tyrone sa kanyang kapwa, no wonder patuloy siyang pinagpapala ng Diyos dahil marunong siyang mag-share ng blessings.
Nakausap namin si Tyrone thru messenger at very  inspired umano siya sa nangyayari sa kanya ngayon dahil buhos ang suporta at pasasalamat sa kanya ng mga natulungan niya.

Natanong din namin ito kung sinong famous  musicians ang higit niyang hinahangaan at bakit? 
Aniya, "I loved Beegess forever and Abba". 

First song ever sung?

"Di ko talaga makalimutan ang kanta na unang kinanta ko in front of many people. Ito yung "NOTHING GONNA CHANGE MY LOVE FOR U" then sinundan ng "TRULY" BY  LIONEL RICHIE.

Who are your musical inspirations? 

"Sobrang fan ako ni Martin Nievera. Idol ko rin sina Angeline Quinto at Superstar Nora Aunor. Inspiration ko rin yung family ko especially my Nanay Bessie na rason kaya sinikap ko na magkaroon ng album. Yung isang dun ay kinompos niya kaya habang kinakanta ko ito, talagang emosyonal ako", pag-amin ng mabait na singer.

If you weren't singing, what would you be doing?



"Siguro, kung 'di ko binalikan ang singing career ko, maybe nasa Hotel restaurant business ako. First love ko ang Music kaya talagang pagbalik ko sa Pinas, pinursue ko na magkaroon ng album. 
Gusto ko kasing i-share sa lahat ang Music ko kaya ngayon, inaasikaso ko na ang 2nd album  ko. 'Yung first album ko, sobrang thankful ako sa lahat ng naging bahagi nito at sa composer ko na si Vehnee Saturno".

Naitsika rin ni Tyrone na nagulat siya sa congratulatory message sa kanya ng Facebook dahil trending ang bawat pino-post niya na kung saan na-hit na niya ang 1-M likes, shares and comments.  

What advice would you give to beginners who are nervous as a singer? 

" Ang advice ko sa mga aspiring singer na gustong pasukin ang Music industry, kailangan talaga maging patient and humble always. I-pursue lang nila ang kanilang dreams dahil sila lang din ang makatutupad nito basta ginusto nila". 

Matatandaang naparangalan na si Tyrone bilang Outstanding International Singer-Social Media's most loved international artist.

How do you balance your Music with other obligations?


"Sa ngayon, nahati ang oras ko sa hilig ko sa Music at pagma-manage ng cocktail bar dito sa Barcelona. Pero kaya ko naman at masaya ako dahil anuman ang gawin ko, always naka-support sa akin ang Tyronenatics lalo na ang mga committees sa pangunguna ni Don Raul and his team".
Mas inspired umanong magtrabaho ngayon si Tyrone para sa kanyang mga lucky scholars na kailangan niyang tustusan hanggang sa makatapos ng pag-aaral.
Way umano ito ni Tyrone to pay back sa mga blesssings na natatanggap niya. 

"Ganado ako ngayon mag-work dahil may mga scholars na ako. Gusto ko silang tulungan na makatapos ng pag-aaral. Matatalino silang estudyante pero kapos sa financial kaya naisip ko kahit papaano, makatulong ako sa kanila to have a better future.  Kasama nila ako sa kanilang journey. Mawala man ako sa mundo, atleast, may mabuti akong naidulot sa aking kapwa".
What are your conditions to them? 
"Ang condition ko sa kanila, bigyan nila ng prayoridad at halaga ang edukasyon. Mag-aral sila ng mabuti dahil minsan lang dumating 'yung mga taong tutulong sa kanila. Kailangan, maging maka-Tao at may respeto sila sa kanilang kapwa. Higit sa lahat, may takot sa Diyos".

Any loves, other than Music?

"Well, I loved working sa cocktail ko dahil ito ang  cup of coffee ko para masuportahan ko ang Tyrone Oneza  FACEBOOK WHEEL OF FORTUNE".

Inamin din ni Tyrone na sa kabila ng kanyang success as a Singer, may kulang din sa kanya, ang pagkakaroon ng lovelife.

Minsan nga raw ay nakikipag-date rin siya 'pag may oras pero as of now, 'di pa niya nahahanap ang right princess para sa kanya. 

"Oo nakikipag-date rin ako pero 'di pa naman ganun kaseryoso. Syempre, kailangan ko rin ng makasasama for life. 'Di naman ako nagmamadali. I'm willing to wait  hanggang sa matisod na ako sa kanya. Si God na ang bahala, maghihintay nalang ako", nakatawang saad ni Tyrone. 

Message to all your die hard fans


"To all Tyronenatics, thank you so much for believing, trusting and supporting my singing career.
Sana 'wag kayong magsasawa na suportahan ako. Wag kayong mag-give up sa anumang problema at isyu na mai-encounter natin dahil at the end of the day, tayo rin ang magha-harvest ng blessings from above. Ang importante, marunong tayong makipag-kapwa tao. Mahalin natin yung mga taong mahal tayo at nasa tabi natin all the time. Lagi nating unahin ang Diyos higit sa anupaman".

Dahil dito, isang Tyronenatics ang natanong natin kung bakit todo ang suportang binibigay niya kay Tyrone.

Ani Bernadette Peros Varona,  "Ate ganda, sobrang idol po namin si dada Tyrone dahil napakabuti niyang tao. Mabait at Maka-Diyos. Minsan lang po kami nakatagpo ng gaya niya na 'di maramot mamahagi ng tinatamasa niyang biyaya. Hindi lang ako ang humahanga sa kanya kundi ang iba ring Tyronenatics dahil sa sinseridad niya na makatulong sa iba.  Tinuring na rin niyang pamilya ang mga fans niya"

To Tyronenatics committees
To all Tyronenatics committees, I love u all. Salamat sa lahat ng suporta at sponsorship sa mga games sa FB Wheel of Fortune. Nawa'y pagpalain ka kayong lahat dahil sa pagse-share nyo ng blessings to others.  


Sey nga ni President  Raul Medrano Lacorte, 


"Full support namin sa Tyrone dahil mabuti ang intensyon niya sa kapwa. Kahit pagod kami  at mapuyat,  mapasaya lang ang mga Tyronenatics, masaya na rin kami. Sobrang bait talaga ni Tyrone kaya kapag may nagagalit sa kanya, ako ang humaharap at nakikipagtalo dahil mas kilala namin siya at mas nakasasama". 

Samantala, nung nasa Pinas si Tyrone last January, dumalaw ito sa set ng Bubble Gang. Thankful si Tyrone dahil suportado rin siya ng mga ito lalo na ang kanyang FB Wheel of Fortune.  



No comments:

Post a Comment