Thursday, 29 June 2017

Pauline Cueto mala-Ariana Grande kung mag-perform on stage; Dream din maging direktor, dancer at aktres; Trending palagi ang cover songs





IBA si Pauline Cueto on stage! Todo bigay sa performance na parang walang bukas!  
Masasabing stand out siya sa tuwing may guesting siya sa concert. Kaya niyang dalhin ang sarili at ang mga manonood ay napapatitig talaga sa kanya.  Minsan pa nga, nagmo-more ang mga ito dahil nabibitin sila sa mga pasabog na performance ng magaling na singer. 

Mala-Beyonce, Jennifer Lopez, Ariana Grande ang galaw ni Pauline on stage. 
At pinatunayan niya yan nang kantahin nito sabay sayaw ang Focus na ni-record ni Ariana sa guesting niya sa mall show ng PBB 737 winner na si Miho Nishida last June 17 sa Riverbanks Marikina.   

Marami naman ang kinilig na mga millenials nang awitin niya ang kanyang carrier single na Dreamboy Ng Buhay ko. Palakpakan din ang lahat sa How Far I'll Go. 




At kung ire-refer mo nga si Pauline sa mga concerts, siguradong 'di ka kakabahan dahil 'di ka niya ipahihiya sa organizers. Ibibigay niya ang 101% na performance na ini-expect ng audience.
'Di lang din singer si Pauline, composer na rin ito. May mga lika na itong awitin na isasama niya sa kanyang 2nd album. 
Ayon pa sa dalaga, 'pag wala siyang ginagawa o kaya ay kumakanta siya, minsan may mga sumasagi sa isip niya na lyrics then sinusulat niya ito at unti-unti ay nakabubuo siya ng isang awitin. 

"Gusto ko pong makagawa ng song na tiyak na makare-relate ang mga millenials natin. Mahilig kasi ang karamihan sa mga love songs or hugot songs", ani Pauline.  

Musical influence niya sina Lea Salonga, Sarah Geronimo kaya naman 'di niya pinalalampas ang concerts ng dalawa niyang idolo. 
If ever nga raw na sumabak siya sa The Voice, pipiliin niyang maging vocal coach ang isa man sa umikot sa dalawa. Malaking challenge raw niya itong maituturing.  

Diniin din ni Pauline na ayaw niyang mag-focus sa isang talent kaya naman pinag-aaralan nito ang mga ginagawa ng isang  direktor, dancer at aktres at someday,  susubukan niya rin. 

Samantala, kahit pinasok na ni Pauline ang Music industry, 'di  raw nito igi-give up ang kanyang pag-aaral. Prayoridad pa rin niya ito kaya pinagsisikapan niyang 'di makaapekto sa kanyang grades ang hilig niya sa Music. 

"Discipline lang po and proper time management, kaya ko naman po pagsabayin. 'Pag may exam po, mas inuuna ko po ang studies.  Iba pa rin po 'pag may degree na natapos".  
Trending palagi ang mga cover songs ni Pauline at higit 100 songs na ang kanyang nai-record at pagaling ito nang pagaling.

Thankful naman si Pau sa kanyang beloved parents, dad Andy, mom Mildred and sister na si Dhea sa suporta sa kanyang singing career.

No comments:

Post a Comment