MARAMI ang nagulantang nang maaksidente sa kanyang sasakyan ang King of Smule at multi-awarded singer/tv host/Nurse and ballroom dancer na si Nick Vera Perez.
Ganunpaman, labis itong nagpapasalamat sa Diyos at sa kanyang Angels sa pagkakaligtas sa kanya habang ang kanyang sasakyan, makikitang nayupi nang husto.
Post nga nito sa kanyang Facebook account, "Despite the accident, after rear-ended and rotated /swerved four times, My Jesus Christ and His angels covered my life and sent home free of impending dangers from the tragedy. God is super strong and all the people who prays for my safety everyday and in everywhere I go are making positive results. Still under observation and sore, back home now where I am thankful and about to do a Love Live show for gratefulness that is filling my heart. Thank you Lord for another chance at life!",- NVP.
Umani naman ng simpatya si Nick mula sa NVP1World na labis na nag-alala sa kanyang kalagayan.
Ayon kay Nick, masakit pa ang kanyang nararamdaman pero nabubuhayan siya ng loob sa mga magagandang mensahe na nababasa niya. Dagdag pa rito ang kalinga ng kanyang pinamamahal na ina, mommy Visitacion.
Post pa nito, "With all pain medications, there is something wrong with my left shoulder joints and the intermittent shooting pains from my lower back and right ribs...(will visit MD tomorrow), need your prayers. My left shoulder muscle really hurts, my left inner clavicle hurts and my lower back muscles still rans some soreness. Bruise slowly turning red and better" -NVP.
Bago ang naturang aksidente, masaya si Nick dahil sa success ng 100th yrs ng Chicago One World Centennial Lions Club na ginanap sa Hilton Northbrook IL USA.
"Thank you my new potential Chicago One World Centennial Lions Club members! Soon we will be working together for the good and meet the officers of this wonderful club! Thank you for the love shared on my album as well!"- NVP
Samantala, pwede ng i-download sa Spotify, I tunes, Deezer, Amazon Music, Google Play at iba pang digital stores ang mga awiting kasama sa first album ni Nick na
Alapaap, ‘Di Maglalaho, ‘Di Ko Na Kaya, Another Chance, Hintayin Ko Na Lang, Three Best Words, I Believe In You, Dito Sa Aking Puso, My Mom, You’re My Hero, Keep The Fire Burning Within at I Am Ready na kinompos ni Adonis V. Tabanda under Warner Music.
(Photo by EMIL SALAS JR.,)
Ngayon palang, pinaghahandaan na ni Nick ang kanyang concert on May 2018 in cooperation with NVP1 Worldwide kung saan lahat ng kanyang very supportive friends and fans ay uuwi ng Pinas para sa engrandeng event at mall tour!
No comments:
Post a Comment