Thursday, 29 June 2017

Martina Ona, gustong matuto mag-piano, dream maka-collaborate ang idolong si Sarah Geronimo







MALAYO na rin ang narating ng singing career ng Popstar Princess ng Barcelona na si Martina Ona or Lieyne Mendoza sa totoong buhay.
May 'K' talaga siya as a Singer dahil sa ganda ng timbre ng boses nito.

Thankful si Martina na makasama on stage sina Isabel Granada, Gabby Concecpion at iba pang magagaling na mang-aawit kaya naman mas inpired siyang pagbutihin ang kanyang pagkanta.

Katunayan, hit sa mga Martinatics ang kanta nitong Doorstep and Beyond na kinompos ni Mr. Joshua Madrid.

Dream din daw ng dalaga na maka-collabore ang kanyang fave singer na si Sarah Geronimo in her upcoming concert and soon to be release na album.

What skills/personal attributes are most important to being successful?  
Bungad ni Martina, "Follow what you really want to do,  just enjoy kung ano man po ang ginagawa mo.  Dapat din po maganda ang Attitude, Enthusiastic, Goal Focused,  Good Listener, Self-Confident, may disiplina sa sarili at may takot sa DIYOS". 

What made you realize that Music was your path?  

"Since I picked up po a mic and I  started to sing. Then, nagtuluy-tuloy na po and until now, patuloy po akong kumakanta para po sa mga taong gusto ang Music ko. Nandito po ang puso ko kaya thankful ako 'pag may mga taong nagiging masaya 'pag napakikinggan or napanonood nila akong nagpe-perform special my parents. Regular din po akong kumakanta sa Simbahan, gusto kong ibalik ang papuri sa KANYA".



Has there been one particular moment in your musical career that you’re most proud of?

"Yes po! mula nang madiskubre ko po na may talent ako sa singing, thankful ako kay GOD na biniyayaan niya ako ng magandang boses na naging instrumento ko para tuparin ang mga pangarap ko. Pero pinaka-highlight po nito is nung makilala ko po ang Balladeer ng Masa na si tito Tyrone Oneza, dinala niya po ako sa Philippines and nagkaroon po ako ng solo concert  na Primera Vez na in-organize po ni tito Favatinni San. Nagkaroon din po ako ng chance na ma-meet ang mga sikat na celebrities sa PMPC Star awards.  Then, nadagdagan pa ang saya ko nang pumasa ako sa audition ng Hollywood Disney". 

Inamin din ni Martina na given a chance, 'di lang Barcelona at Pinas ang gusto niyang puntahan. Gusto umano niyang mag-explore at alamin ang iba't ibang culture ng ibang bansa.

"I want to travel to everywhere po, gusto kong tuklasin ang ganda ng mundo, ang kanilang kultura, fave foods etc", katwiran nito.



What is a skill you'd like to learn and why? 

"Gusto ko pong matutong mag-piano, guitar, any  instruments po".

Samantala, napaka-sweet na bata ni Martina dahil sinamahan niya ang kanyang mommy and daddy sa 19th anniversary ng mga ito.

Post nga niya sa kanyang Facebook account,  "Happy 19th anniversary mamaa & papa. Wish you po all the best & thanks for everything. More anniversaries to come. God Bless po always!!!".  
Maging ang kanyang parents, labis na nagpapasalamat sa pagkakaroon ng unica hija dahil mabait ito at masunurin na bata. 

No comments:

Post a Comment