SUCCESSFUL ang soft opening/blessing ng pabolosang main office ng SKIN LIGHT BODY CARE (SLBC) na pagmamay-ari ni Ms. AIREEN GENETIANO DOMINGO katuwang ang mister na si Sir Luisito Domingo na matatagpuan sa Marcos District Maharlika Hi-way, Talavera, Nueva Ecija.
Inspirasyon ni Ms. Ai ang kanyang business partners, mga regular costumers at pamilya kaya naitayo niya ang negosyong ito.
Bukod sa mga malalapit na pamilya, regular costumers, present din ang mga masisipag na distributors ng SLBC na sina Joy Maghilom ng Tarlac; Liza G. Gaon ng Sto. Domingo, Nueva Ecija; Melanie R. Legaspi ng Nueva Viscaya; Jonathan Legaspi - District 2 Isabela Province; Cherry Gonzales ng Cabiao Nueva Ecija.
Unang kita ko palang kay Ms. Aireen, na-amaze na ako sa byuti niya. Napa-impress niya ako ng kanyang beauty products. Mahirap kasing mapaniwala ang isang first timer pero nang ikuwento niya ito, unti-unti niya akong napabilib kaya naman may mga on the spot na bumili ng kanyang produkto.
In pernes, kitang-kita ito sa kanyang mala-labanos na kutis, super kinis at super puti na aniya'y, ang sikreto ay ang kanyang Skin Light beauty products.
Of course 'di lang si Ms. Ai, proven din ito ng kanyang mga naggagandahang distributors. Partida, walang mga make up huh, kabugan sila sa ganda.
2 yrs na sa Cosmetics industry ang Skin Light pero 1 yr palang itong pinamamahalaan ni Ms. Aireen. At sa loob ng 1 taon, napakalawak na ng network nito. Ang daming users. Kung saan-saan na ito nakarating at lahat ng mga users, puro positive ang feedbacks.
Anila, very effective and different ang Skin Light, 'di matapang, very mild at tiyak na makukuha mo ang ini-expect na kaputian!
Dagdag pa rito ang napakagandang packaging na kikay lang ang dating. Akala mo mamahalin pero ang totoo, abot kaya ng bulsa.
Sa sobrang dami nga ng soap brands ngayon, kabilang ang Skin Light sa pwedeng i-suggest sa mga consumer na subukan ito. You will feel the soft and smooth skin, not dry huh!
Aminado naman si Ms. Ai at ang mga distributors na 'di maiwasan na minsan may kostumer na 'di effective sa kanila ang sabon pero yun ay dahil sa mali or nasobrahan sa paggamit o kaya nakaranas lang ng skin irritation dahil sa sensitive skin types.
Ang Skin Light ay walang pinipiling users. Katunayan, pwede ito sa 1 yr old and above, anuman ang katayuan mo sa buhay, mahirap man o mayaman. Halos lahat ng mga tao lalo na ang mga kababaihan at millenials, target ang mala-artistang ganda at kutis kaya nga ang mga estudyante, super budget sa kanilang allowance para makabili ng anik-anik.
Kwento pa ng mga distributors, pati mga sidecar boys, tricycle/jeepney drivers ay ginagamit din ito and sa muli nilang pagkikita, ang sabi nalang sa kanila, effective sa akin ang Skin Light.
Sey nga ni Ms. Ai, "I'm proud of Skin Light. Subok na ito ng karamihan. Natutuwa nga ako Ms. Anne, nagsimula lang kasi sa pailang-ilang orders, pero ngayon yung mga distributors namin, nagle-level up na sila. Ang dami na nilang shops, may mga guminhawa ang buhay, may mga ang gaganda na ngayon. Very convincing and friendly to use kasi ang Skin Light. Afford pa ng kahit sino lalo na 'pag hiyang sa kanila".
Masipag mag-promote si Ms. Ai ng kanyang produkto. Katunayan, bawat area ay sinusuyod niya at inaalam ang effect nito and so far, lahat ng kanyang suki ay bumabalik talaga and order pa more.
Paano mo pino-promote ang SKIN LIGHT BODY CARE?
"Actually Ms. Anne, ang ginagawa ko talaga, kakausapin ko sila, then pinapa-try ko muna 'yung products then 'pag 'di effective isoli nila, I mean kung 'di sila kumbinsido na gaganda ang kanilang kutis, pwedeng ibalik ang produkto at buo ko na ibabalik ang bayad, ayun, so far naman, thankful ako kasi wala namang bumalik, sa halip nag-order pa sila then kinukwento nila sa mga kaibigan nila ang magandang epekto nito kaya yun, lumalawak ang network".
Pinatunayan din ni Ms. Ai na mabisa ang Skin Light keber kung tadtad ka ng tighiyawat.
"May isa kaming patient, ang dami niya talagang tighiyawat, pina-try ko siya ng Skin Light, ilang araw lang natuyo na ang mga yun. Kasi ang SLBC, anumang uri ng problema sa balat, 100% mapakikinis ka ng sabon namin".
Aniya pa, kahit lalaki ay gumagamit na rin ng Skin Light. 'Di lang kasi babae ngayon ang metikulosa pagdating sa pagpapaganda.
Sa dami ng beauty products, here's ur tips para tama ang mga binibili nyong produkto. Know your whitening goals; Know your skin type; Know the ingredients; Know the brand or company; Know if it Is FDA approved and Consider the price.
May isang avid user ng Skin Light ang tinanong ko kung gaano ka-effective sa kanya ang Skin Light?
Aniya, "I would say that SKIN LIGHT did wonders for my complexion. I use it everyday. I've seen wondrous effects after 2 months of using it".
Anyway, congratulations sa mga winners ng pa-raffle ni Ms. Aireen nung nakaraang blessing.
Masuwerte si Ms. Dulce Fernando Lising dahil siya ang nabunot for 15k worth of SLBC products.
Post nga nito sa kanyang FB account,
"Congrats Madam CEO Aireen Genetiano Domingo for another achievement, patunay lang na tuluy-tuloy ang success ng business natin. We are happy & blessed to have a long term business with you. More Power!! dko lam bakit ang swerte ko hehehe siguro tiwala ako sayo at s product, sa mga sis ko sa SLBC. See you again on our 2nd anniversary GOD BLESS US ALL!!!" .
Lucky 10k winner naman si Ms. Lyn Ondivilla. Other 1 won P5K ang 3 consolation prizes.
Samantala, gusto mo rin bang magbenta ng Skin Light, apply na kay Ms. Aireen basta willing to assign in TALAVERA, Nueva Ecija, 18 -30years old - ( Male/ Female) Atleast high school graduate!
No comments:
Post a Comment