'DI lang pagdating sa ganda ng boses maipagkakapuri ang Asia's Princess of Songs na si Emma Cordero kundi pati sa pagkakaroon ng golden heart na makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng kanyang EmCor Voice of An Angel foundation para sa mga kabataang nangangailangan.
Katunayan, bahagi ng sales ng kanyang album ay mapupunta sa mga scholar ng Our Lady of Fatima de San Pedro School at ng VOAA.
Kabilang sa cuts nito ang Aiwo Agetai, I Wanna Give Love na kinanta niya sa launching at coronation ng VOAA candidates 2017 na ginanap sa Marco Polo kamakailan sa imbitasyon nina Ms. Emma at Entertainment Editor/DJ Kuya J Machete (Win Radio) Joey Sarmiento.
Kabilang din dito ang mga awiting Aishiteru/ I Love You, Mahal Kita Kahit Ano Ka Pa, Inip na Inip.
Matatandaang nauna nang hinirang as Woman of the Universe 2016 si Ms. Emma nang lumaban ito sa Nansha Stadium, Guangzhou, China at ayon sa kanya, sa 71 married women na kalaban niya na kapwa magagaling, ang edge raw niya ay .... “My edge over other candidates is that I can sing and belt my way through the heart of the judges”.
Mas lalong na-appreciate si Ms. Emma ng lahat dahil sa kontribusyon nito sa Music industry at advocacy na “Domestic violence and reflection over children”.
Napag-alaman din namin na cancer survivor si Ms. Emma kaya naman gusto niyang maging makabuluhan at magsilbing inspirasyon sa lahat lalo na sa mga kababaihan na minsan ay napanghihinaan na ng loob at ng mga babaing nakaranas ng kalupitan.
Naengganyo si Ms. Emma na i-push ang VOAA dahil ito na umano ang chance ng mga candidates na ipagmalaki sa buong mundo ang kanilang kakayahan, biggest achievements, mag-share ng love at ipagpatuloy ang charity works.
“Gusto ko lang maipakita nila sa mundo ang natatangi nilang talento and achievements sa buhay as an individual. It’s more on charity works. May mga foundation din sila na malaki ang naitutulong sa mga less fortunates”, pahayag ng magaling na singer at beauty title holder.
Kabilang sa mga pinakilala as representatives ng Pilipinas sa gaganaping Queen & Mister VOICE OF AN ANGEL Universe 2017 ay sina Queen of award winning Maindie Baby Go, Lady executive of BG Productions International.
Ayon kay Madam Baby nang matanong ito kung ano ang talent na ipakikita niya? Aniya, sexy dancing na in pernes, kahit walang praktis, game si Madam on the floor.
Bukod sa kanya, pambato rin ng Pinas sa ibang kategorya ang World Supermodel Philippines 2017 Angela Janine Guinto (Ms. Philippines NCR), Maryflor Makawili, 4th yr AB in Tourism Management student sa Lyceum Alabang (Ms. Philippines Region 8), First Filipina Kimono Teacher Myla Villagonzalo Tsutaichi (Mrs. Philippines Tokyo); Media Practitioner & Experience Magazine Publisher Ana Manansala (Mrs. Philippines Region 2); Naturopathic Doctor Sevillo Tamayo (Mr. Philippines Region 4A); at singer/performer Michelle Takahashi (Ms. Philippines Tokyo).
Samantala, ang VOAA pageant ay magaganap sa Agosto 30 hanggang September 3, 2017 sa San Palace Hotel Fukuoka, Japan kung saan 40 competitors mula sa iba’t ibang bansa ang dadalo.
No comments:
Post a Comment