Thursday, 18 May 2017


Baeby Baste bagong endorser ng NeuBake Super Slice ng Gardenia


ANG napaka-cute na si Baeby Baste  (Sebastian Benedict Granfon sa totoong buhay) ang bagong endorser ng Neubake Super Slice ng Gardenia.
Ang Neubake Super Slice ng Gardenia ay malalaki ang slices kumpara sa mga regular na white bread at sa halagang P29, may 10 slice kana na tiyak na  busog lusog gaya ni Baste. 

Isa nga si Baste sa lucky child stars dahil naka-6 endorsements na ito mula nang pasukin  ang limelight at nakapag-invest na ito ng sasakyan mula sa kanyang talent fee.
Nagsimula ang kanyang kasikatan nang mapanood siya ng researcher ng Jessica Soho na nagda-dubsmash sa Youtube. 
Available na ito sa lahat ng leading supermarkets and convenience stores kaya mga mommy, pagpasok palang ng grocery, hanapin na agad ang Neubake Super Slice ng Gardenia para may pang-almusal at pang-meryenda na ang pamilya. Swak din ito na baon sa school ng mga bulilits.
Samantala, bata palang si Baste minulat na itong ng kanyang mommy Shiela how to share his blessings to others. 

Katunayan, wala pa nun si Baste, active na sa charity si mommy Shiela. At ngayong kumikita na si bagets, nagtatabi talaga ito para sa mga bata ng St. Andres Orphanage sa GenSan.  
“Way back 2008, nakita ko ang mga bata sa St. Andres orphanage, so tumutulong ako pero after 2 yrs, dumating si Baste, kung anong merun ako, ‘di ko sila iniwan, sinuportahan ko pa rin sila. Sinasabi ko sa anak ko,  …Bash, sila ‘yung mga bata na kaluoy, (kawawa), kaya mag-share rin tayo kung ano ang maibigay natin. Wala sila mama kaya ikaw, you have a mama kaya i-love mo si mama, mag-show tayo ng love and be a giver to those kids para kahit wala silang parents, maramdaman nila na mahal namin sila”, kwento ni mommy Shiela.
Normal kid pa rin daw ‘pag nasa bahay si Baste at napapagalitan ito ng kanyang parents minsan dahil sa kakulitan. 

Inamin din ni mommy Shiela na nakapag-invest na ng sasakyan si Baste mula sa talent fee nito at merun na itong  6 endorsements at kabilang na rito ang Neubake Super Slice ng Gardenia.
At sa pasukan, gusto nitong i-enroll ang anak sa school, bagay na ikinatuwa ng bibbong si Baeby Baste.   


No comments:

Post a Comment