Monday, 5 June 2017
The Teen Pop Doll Erika Mae Salas, mas naging confident sumayaw dahil kay teacher Myka ng G-Force
MEMORABLE para sa The Teen Pop Doll na si Erika Mae Salas ang maka-showdown on stage ang G-Force. Mas gumaling umano siyang sumayaw nang mag-dance workshop siya with teacher Myka.
"First love ko po talaga 'yung dancing, since bata pa ako, sumasayaw na ako pero mas marami akong natutunan na dance steps with teacher Myka", kwento ni Erika.
Dagdag pa nito, "Super happy kasi 'yung dance recital namin ay sa MOA Arena pa ginanap, nag-enjoy po ako kahit na ang dami namin sa group, ang dami ring audience na nagche-cheer so mas naka-i-inspire po humataw on stage. It inspires me to express my passion in dancing".
Street pop ang genre ng dance na inaral ni Erika pero open din ito sa iba pa like Millenial Jazz, Hip Hop, Swing, Ballroom, Ballet etc.
Kumusta as teacher si Myka? "Magaling po si teacher Myka, tinuruan po niya ako kung paano mag-perform ng todo bigay. Yung feeling na napu-fulfill mo yung sarili mo pagkatapos ng performance".
Most challenging in dancing? "For me po, 'yung challenge dun is 'yung giving power po sa dance kasi 'yung pagme-memorize ng dance ay madali lang pero 'yung bibigyan ng power and justice, yun ang medyo mahirap", paliwanag pa nito.
At para magtuluy-tuloy ang energy nito sa dancing, habit na ni Erika ang pumunta sa sports center kasama ang daddy Emil para mag-jogging para raw 'di hingalin 'pag sumasayaw na siya.
What do you think is the key to become a good dancer? "Practice, passion and patience", ani Erika.
Aminado naman ito na most embarassing moment niya ang minsan ay nagkamali siya sa blockings pero thankful naman ito na nagkaroon siya ng maraming kaibigan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment