Monday, 5 June 2017


Erika Mae Salas, mas na-inspire umarte nang dalawin ng LizQuen sa acting workshop kay Ogie Diaz


MAS na-inspire umarte ang binansagang The Teen Pop Doll na si Erika Mae Salas nang dalawin sila ng sikat na loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen) sa kalagitnaan ng kanilang acting workshop kay Ogie Diaz.
"Starstruck po talaga kami nang makita namin si Liza, ang ganda-ganda po niya at ang gwapo rin ni Enrique. Nakipag-selfie talaga ako sa kanya at nakapag-request ng birthday greetings for my lola".
Ano ang na-improve sa'yo sa pagsabak mo sa acting workshop?
"Natuto po akong umiyak. Sa totoo lang,  'di  mababaw ang luha ko, wala kasing hugot pero minsan naman po, 'pag pinaarte ako kaya ko naman.   It's a big step up for my acting skills kasi I know na 'di ako masyadong magaling pero dahil po sa workshop, mas naging confident ako sa pinakita ko", pahayag nito.

Nung recital, masaya si Erika dahil nagawa niya ang role na hinihingi sa kanya. Satisfied naman daw siya sa kanyang ginawa at thankful ito na pinanood siya ng kanyang parents  (Lilibeth and Emil Salas) habang umaarte.
Ano ang dream role mo? "Anything po, okey po sa akin. Kung ano ang opportunity na ibibigay, iga-grab ko po. Napag-aaralan naman lahat", sey ni Erika.  

Sino ang idol mo? "Idol ko po sina  Sarah Geronimo at  Coco Martin. Si Sarah kasi, multi-talented,  magaling po siya as a singer, dancer, tv host and actress kaya gusto ko rin  na i-try lahat. Maganda rin po kasi na lahat ay may alam ako para saan man ako isabak, kahit paano, may ibubuga  rin nang sa gayun, 'di sila mapahiya sa pagkuha sa akin". 
Dagdag pa nito,  "Kapag nanonood po ako ng mga teledramas,  iniisip ko po, gusto ko rin na  napanonood din nila ako sa tv.  Ang ideal profession ko po talaga ay ang pagiging Singer pero now, gusto ko rin po maging aktres".

Mas na-motivate si Erika in terms of acting sa seryeng Dolce Amore na pinagbidahan noon ng LizQuen kung saan naka-relate siya sa istorya nito. 
 

No comments:

Post a Comment