Monday, 5 June 2017
Rayantha Leigh, mas feel maging kontrabida; gustong subukan ang iba't ibang genre ng sayaw!
'DI lang sa mundo ng Musika gustong makilala ng The Music Darling na si Rayantha Leigh, sumabak na rin ito sa acting at dance workshop sa Ogie D production (Ogie Diaz) at G-Force Dance Center with teacher Myka.
Talagang nag-improve raw ang kanyang acting and dancing skills.
At dahil first time mo mag-acting workshop, kumusta ang experience? Ani Rayantha, "Ang best experience ko is 'yung umarte with different emotions na may kaeksena po ako. Akala kasi ng iba, yung acting is easy but nung nag-workshop po ako, may levels and super strict po and hard sa acting dahil lahat po napapansin. It was a big help and a fun experience. I more prefer to be kontrabida po pero nung nagka-casting na, I was always placed on good roles".
Bakit mas type mo as kontrabida? "Feeling ko kasi, mas mai-express ko ang sarili ko 'pag kontrabida. Mas maibibigay ko 'yung kung ano ang hinihingi ng istorya. I haven't tried that role before i just think that's the easiest to do. For me, my weekness in acting is fear kasi even though not on screen, when I'm scared, 'di nagso-show sa face ko. I think what makes me unique is that I can have the good role and the bad role and I never give up. Mahirap i-portray ang mabait, walang challenge for me".
Favorite ni Rayantha ang hottest loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil kaya dream come true sa kanya nang makita niya ang mga ito personally nang bisitahin sila sa acting workshop.
Binigyan daw siya ni Liza ng konting tips when it comes to acting kaya naman, inspired na rin itong umarte ngayon.
"Sila (LizQuen) po yung naging inspiration ko mula nang na-meet ko po sila nang harapan, sobrang saya ko and 'di ko ma-imagine na I will see them face to face dahil sobrang sikat".
Wish ni Rayantha na sana nga ay makasama siya sa teleserye. "Teleseryes are the best way to be known kasi sa TV siya napalalabas nationwide and Filipino's love watching teleseryes", katwiran ng morenang teeny.
Samantala, being a dancer, gusto ring subukan ni Rayantha ang iba't ibang genre.
"I also want to try other types of dance not only street pop with teacher Myka, I also want to try hip hop, dancing taught me to just let everything go while dancing".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment