SINA Sarah
Geronimo, Angeline Quinto at Ariana Grande ang itinuturing ng Pop Star Princess
ng Barcelona na si Martina Ona (Lieyne Mendoza sa totoong buhay) na musical
influences niya.
Bakit mo sila
iniidolo
"Idol ko po sila dahil ang gagaling po nilang mag-perform on
stage, sexy and beautiful. Naa-amaze po ako. Kaya naisip ko, gusto kong maging
gaya nila. Mostly po lahat ng genre ay gusto ko but the Pop is my specialty.
Ultimate dream ko talagang maka-duet sila sa upcoming events ko given a chance
lalo na po si Sarah. Starstruck po kasi ako nang ma-meet ko siya in person sa Star Awards for Music nung nasa Pinas po ako".
Matatandaang nung
2013 ay nadiskubre ng King of FB Wheel of Fortune na si Tyrone Oneza si Martina
at dinala niya ito sa ating bansa. Nagkaroon din ito ng chance na magkaroon ng
solo concert sa Music Box entitled
Primera Vez na in-organize ni Favatinni San.
What is the best
thing that happened to you?
"Siguro po 'yung opportunity na nakapasa ako
sa semifinal ng competition of Marketing Business and Hollywood Dreams and then
'yung sunud-sunod ko na singing engagements na kung saan karamihan po sa mga
taong nanonood ay pinalakpakan po nila ako at pinupuri nila ang boses ko.
Masayang-masaya po ako 'pag nakaririnig ng positive feedbacks, mas inspired po
akong mag-perform", pag-amin ng magaling na singer.
Biggest break din ni Martina nang mapasama siya sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Barcelona: A Love Untold.
"Great opportunity po yun sa akin. Unexpected blessing. Thankful po ako kay ninong Edelson na sinama niya po ako. Sana masundan pa yung movie exposure ko", hirit ni Martina.
Biggest break din ni Martina nang mapasama siya sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Barcelona: A Love Untold.
"Great opportunity po yun sa akin. Unexpected blessing. Thankful po ako kay ninong Edelson na sinama niya po ako. Sana masundan pa yung movie exposure ko", hirit ni Martina.
Ano na ang mga
ni-record mong kanta?
"For now po, I only have 2 songs, yung "Doorstep" & "Beyond" composed by Mr. Joshua Madrid".
Blessings para kay
Martina nang magkaroon siya ng Single na
tinutugtog na rin ngayon sa iba't ibang radio stations at kinakanta nito sa
iba't ibang events na may guestings siya like birthdays, weddings, Independence
day, concerts, Charity, Church.
Aside sa pagkanta,
hobbies din ni Martina ang pagsasayaw at painting.
Nakasama na rin ni Martina sa ilang concerts niya sina Isabelle Granda, Kitchie Nadal, Gabby Concepcion.
"Magagaling po sila na singer. Ang gaganda at pogi! Very talented kaya my pleasure po na makasama ko sila. Nakakuha po akong tips and techniques sa pagkanta sa kanila".
Nakasama na rin ni Martina sa ilang concerts niya sina Isabelle Granda, Kitchie Nadal, Gabby Concepcion.
"Magagaling po sila na singer. Ang gaganda at pogi! Very talented kaya my pleasure po na makasama ko sila. Nakakuha po akong tips and techniques sa pagkanta sa kanila".
Ano ang mga
pine-paint mo?
"Beautiful creation of God po. Simple lang po. I'm still
practicing my craft", ani Martina.
If you weren’t a singer, what would you be?
"A successful
businesswoman kung ipagkakaloob ni
God".
"Para po sa mga aspiring singers, higit po sa lahat, magtiwala lang tayo sa Diyos. Of course sa ating sarili at pamilya. Huwag magmadali at magtiyaga lang sa paghihintay. Tiyak ibibigay ni God what you want".
What is the
important lesson your mother has taught you?
"Kabilin-bilinan
po ni mommy (Vilma), magkaroon po ng takot sa Diyos, mag-aral ng mabuti dahil
ito lang daw ang kayamanan na 'di mananakaw sa akin ninuman, maging mabait at
marespeto sa kapwa", aniya ng magaling na singer.
"To
everyone of you, thank you so much for believing and appreciating my talent
especially my voice. Salamat po sa walang sawang suporta. Inspirasyon ko po
kayong lahat sa journey ko. I love you all", lahad pa ng Popstar Princess
ng Barcelona.
No comments:
Post a Comment