Sunday, 30 April 2017




 'Area' ng BG Productions International Inc na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas, naka-3 Int'l awards na!

ANOTHER victory na naman for team BG Productions International na pagmamay-ari ni Madam Baby Go matapos na parangalan ang pelikulang Area na pinagbibidahan ng Queen of Comedy na si Ai Ai delas Alas ng  Special Jury Remi Award sa 50th Houston International Film Festival sa Marriot Hotel sa Houston, Texas.
Sa Area ay sinubok ang galing ni Ai Ai sa drama scene kung saan gumanap siyang aging prostitute.
Kasama rin sa nasabing pelikula ang award winning actor na si Allen Dizon at Sancho delas Alas.
Kapwa prosti naman ni Ai Ai sina Sue Prado,  Tabs Sumulong at Ireen Cervantes.
Nakabibilib na sunud-sunod ang natatanggap na parangal ng mga pelikula ng BG kaya maging si Madam Baby, 'di makapaniwala sa buhos na blessings sa loob ng 4 taon sa movie industry.
"Lubos-lubos ang aking pasasalamat sa Diyos, sa  team BG, sa line produ ko, kay Dennis, sobrang saya ko kasi lahat ng pinaghirapan naming lahat, talagang nare-recognize ng iba't ibang award giving bodies", ani Madam Baby. 


Matatandaang  una ng nanalo ang Area ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival nung Sept. 30, 2016 sa Kazakhstan.
Sa pelikulang Area rin natupad ang dream ni Ai Ai na magkaroon ng International award matapos siyang tanghaling  Best Female Actor award sa 7th Queens World Film Festival sa New York nung March 19, 2017.


Post naman ng award winning director na si direk Louie, "Nagbunga muli ang pinagpaguran ng buong TEAM AREA!!!! Mula sa mga magagaling kong artista, mga babaeng taga -AREA na nagbigay inspirasyon para maisulat at maikuwento nila Ferdy Lapuz at Robby Tantingco. Ang mahigpit na pagbabantay mula pre prod, sa shooting hanggang post production ng aming award winning na producer na si Dennis Evangelista kasama si Ferdinand Lapuz para makagawa ng isang obra".

No comments:

Post a Comment