Sunday, 30 April 2017


Laut, Area at Child Haus ni direk Louie Ignacio, wagi sa Gawad Tanglaw; Madam Baby Go inaming sa movie industry nakatanggap ng medal at trophy

WALANG patid ang parangal sa mga pelikulang prodyus ng BG Productions International ng Queen of Award winning Maindie na si Madam Baby Go.
Sa loob ng 4 taon sa industriya, 'di na mabilang ang mga tropeyong naiuwi ng produksyon na nagbigay ng Best Actor awards kay Allen Dizon, Best Actress kina Ai Ai delas Alas, Nathalie Hart at Best Supporting naman kay Aiko Melendez.


Bawat laban sa ibang bansa ng mga pelikula, sinusuwerte ito.
Sey nga ni Madam Baby sa kanyang radio guesting sa Showbiz Galore sa DZRJ hosted by katotong Rodel Fernando, Rommel Placente at Mildred Bacud, 'di niya akalaing sa movie industry niya matatanggap ang mga medal and trophy mapa-local and international award giving body.



"Natutuwa nga ako, sa movie industry lang pala ako mapararangalan ng ganito karaming awards. Thankful ako sa lahat ng mga award giving bodies na nakare-recognize ng mga prodyus kong pelikula. Bilib ako sa lahat ng direktor ko,  kina direk Joel, Louie, Neil, direk Paolo, sa line producer ko, si Dennis Evangelista, very hands on sa lahat ng movie, sa lahat ng kanyang staff, kina Katya at Beauty, sa mga anak ko na tinutulungan ako, kay Sir Romeo Lindain. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Ganado akong magprodyus ngayon, walang nasasayang, puro award winning", pahayag ni Madam Baby.
Kamakailan, 3 sa pelikula ni direk Louie Ignacio ay nanalo sa Gawad Tanglaw.

AREA na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas kung saan wagi itong Special Jury Prize.
Dahil nga sa pelikulang Area, natupad ang dream ni Ai Ai na magka-award sa abroad kung saan siya ang tinanghal na Best Female Actor sa Queens World Film Festival last March 19 dahil sa pagganap niya bilang matandang pokpok.
Tinalo nito sina Amy Redford, Dorothea Hagena at  Karin Hanczewski. 
Part din ng pelikulang Area sina Allen Dizon, Ireen Cervantes, Sancho delas Alas, Sue Prado, Tabs Sumulong.  
Matatandaang nalo ring Special Jury Prize ang Area sa 12th Eurasia International Film Festival last September 30 sa Kazakhstan.

Student’s Choice naman ang Laut na kung saan personal choice ni direk Louie si Barbie Forteza na magbida rito. Tungkol ito sa mga Badjao na kinunan sa Pampanga at iba pang lugar.

Child Haus, tinanghal na Jury Prize for Best Children Film. Pinagbibidahan ito ng mga childstars na sina Therese Malvar, Mona Louise Rey, Miggs Cuaderno, Felixia Dizon, Erika Yu, Ina Feleo at Katrina Halili. 
Ayon kay direk Louie, ipinakikita niya sa Child Haus ang mga paghihirap na dinaranas ng mga may sakit na leukemia. Depende raw sa dami ng mga tumutulong ang magiging haba rin ng buhay ng mga bata dahil sa malaking gastos sa medication.
Samantala, back to back naman as Best Actor at Best Supporting Actress sina Allen Dizon at Aiko Melendez para sa pelikulang Iadya Mo Kami. Pinarangalan din sina Ferdy Lapuz -Best Story in Area; Gilbert Obispo- Best Editing Area; Cyrus Khan Best Production Design in Laut and direk Mel Chionglo -Natatanging Gawad Tanglaw Awardee.
Congratzzzzz team BG Productions International!

(Anne Venancio-Bendanillo)

No comments:

Post a Comment