Sunday, 30 April 2017

xfilessnapshots:  Allen Dizon at Aiko Melendez PASADO ang akting sa...

xfilessnapshots:  Allen Dizon at Aiko Melendez PASADO ang akting sa...:   Allen Dizon at Aiko Melendez PASADO ang akting sa 'Iadya Mo Kami'  INSTEAD na last April 28, na-move sa May 3 ang  19th Ga...


 Allen Dizon at Aiko Melendez PASADO ang akting sa 'Iadya Mo Kami' 



INSTEAD na last April 28, na-move sa May 3 ang  19th Gawad Pasado ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro dahil sa ASEAN SUMMIT.
Gaganapin ang nasabing awards night sa De La Salle University, Taft, 6pm-9pm.
Pararangalan ang mga natatanging artista sa iba't ibang kategorya. 
Tie bilang Best Actress sina Congw. Vilma Santos para sa pelikulang Everything About Her at si Charo Santos-Concio ng Ang Babaeng Humayo.
Tatlo naman ang hinirang na Pinakapasadong Actor, sina  Piolo Pascual/Hele Sa Hiwagang Hapis;  Allen Dizon/Iadya Mo Kami at  Enrique Gil/Dukot.

 Narito ang kabuuan ng mga nagwagi:
Pinakapasadong Pelikula ng Taon

Ang Babaeng Humayo/Cinema One Originals, Sine Olivia Pilipinas
Tuos/Purple Pig Production
Hele sa Hiwaga ng Hapis/Star Cinema, Ten17 Productions, Epic media, Sine Olivia Pilipinas
Iadya Mo Kami/BG Productions International
Ma’Rosa/Center Stage Productions
Pinakapasadong Direktor
Lav Diaz/ AngBabaeng Humayo
Mel Chionglo/ Iadya Mo Kami
Pinakapasadong Aktor
Piolo Pascual/Hele Sa Hiwagang Hapis
Allen Dizon/Iadya Mo Kami
Enrique Gil/Dukot
Pinakapasadong Aktres
Vilma Santos/Everything About Her
Charo Santos-Concio/Ang Babaeng Humayo
Pinakapasadong Katuwang na Aktor
Paulo Avelino/The Unmarried Wife
Zanjoe Marudo / The Third Party

Pinakapasadong Katuwang na Aktres
Barbie Forteza/ Tuos
Aiko Melendez/ Iadya Mo Kami
Pinakapasadong Istorya
Denise O’Hara/Tuos
Pinakapasadong Tunog
Robert Delgado/Kute
Pinakapasadong Musika
Robert Delgado/Kute
Pinakapasadong Editing
Lav Diaz/BabaengHumayo
Pinakapasadong Sinematograpiya
Mycko David/Iadya Mo Kami
Pinakapasadong Dulang Pampelikula
Denise O’Hara/Tuos
Pinakapasadong Disenyong Pamproduksyon
Popo Diaz/Hele Sa Hiwagang Hapis
NATATANGING GAWAD PASADO 2016
Jaclyn Jose/(MA’ROSA)
Paulo Ballesteros/(Die Beautiful)
Pinakapasadong Pelikula sa Paggamit ng Wika at Kamalayang Pangkultural
TUOS (Joseph Israel Laban at Ferdinand Lapuz)
Pinakapasadong Pelikula sa Kamalayang Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian
DIE BEAUTIFUL (Director, Jun Robles Lana)
Pinakapasadong Natatanging Guro
Dr. Fanny Garcia (Professor and Writer)
Pinakapasadong Likhang-Bata sa Pagganap
(Child Performer)
Simon Ezekiel Pineda (Honorio “Onyok” Amaba)
(The Super Parental Guardians at Ang Probinsyano)
PASADO, Gawad Dangal ng Kabataan
Richard Reyes Faulkerson, Jr. (Alden Richards)
Nicomaine Dei Capili Mendoza (Maine Mendoza)
Pinakapasadong Aktor sa Teleserye
Rodel Pacheco Nacianceno (Coco Martin)

Pasado Lifetime Achievement Award
(Dangal ng Pasado)
Ms. Amalia Fuentes
Natatanging Gawad Pasado Sa Maestro ng Pelikulang Pilipino
Direktor Elwood Perez
Pinakapasadong Lingkod-Bayan
Miguel Castro Enriquez (Mike Enriquez)
Thankful sina Allen at Aiko sa bumubuo ng PASADO awards na napansin ang kanilang akting sa pelikulang Iadya Mo Kami.


Nalaman din namin na pangatlong award na pala ito ni Allen sa  PASADO. Matatandaang 2013 nang tinanghal siyang Pinakapasadong aktor para sa pelikulang Lauriana katambal si Bangs Garcia at nung 2014 sa  Magkakabaung (The Coffin-Maker) na nagbigay sa kanya ng maraming Best actor trophy kung saan kasama niya sa pelikula ang anak na si Felixia.
Kaya naman, 5 pelikula ang nakuha rito ng team BG Productions; 1. Pinakapasadong Pelikula ng Taon (Iadya Mo Kami/BG Productions International) 2. Pinakapasadong Direktor (Mel Chionglo/ Iadya Mo Kami);  Pinakapasadong Aktor  (Allen Dizon/Iadya Mo Kami);  Pinakapasadong Katuwang na Aktres  (Aiko Melendez/ Iadya Mo Kami) at Pinakapasadong Sinematograpiya (Mycko David/Iadya Mo Kami)
Sey naman ni Madam Baby, binabati niya ang lahat ng awardees. Buong puso umano niyang inaalay ang kanyang sarili sa movie industry para magprodyus ng marami pang advocacy, makabuluhan at award winning films katuwang ang team BG productions, staff, directors.



 'Area' ng BG Productions International Inc na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas, naka-3 Int'l awards na!

ANOTHER victory na naman for team BG Productions International na pagmamay-ari ni Madam Baby Go matapos na parangalan ang pelikulang Area na pinagbibidahan ng Queen of Comedy na si Ai Ai delas Alas ng  Special Jury Remi Award sa 50th Houston International Film Festival sa Marriot Hotel sa Houston, Texas.
Sa Area ay sinubok ang galing ni Ai Ai sa drama scene kung saan gumanap siyang aging prostitute.
Kasama rin sa nasabing pelikula ang award winning actor na si Allen Dizon at Sancho delas Alas.
Kapwa prosti naman ni Ai Ai sina Sue Prado,  Tabs Sumulong at Ireen Cervantes.
Nakabibilib na sunud-sunod ang natatanggap na parangal ng mga pelikula ng BG kaya maging si Madam Baby, 'di makapaniwala sa buhos na blessings sa loob ng 4 taon sa movie industry.
"Lubos-lubos ang aking pasasalamat sa Diyos, sa  team BG, sa line produ ko, kay Dennis, sobrang saya ko kasi lahat ng pinaghirapan naming lahat, talagang nare-recognize ng iba't ibang award giving bodies", ani Madam Baby. 


Matatandaang  una ng nanalo ang Area ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival nung Sept. 30, 2016 sa Kazakhstan.
Sa pelikulang Area rin natupad ang dream ni Ai Ai na magkaroon ng International award matapos siyang tanghaling  Best Female Actor award sa 7th Queens World Film Festival sa New York nung March 19, 2017.


Post naman ng award winning director na si direk Louie, "Nagbunga muli ang pinagpaguran ng buong TEAM AREA!!!! Mula sa mga magagaling kong artista, mga babaeng taga -AREA na nagbigay inspirasyon para maisulat at maikuwento nila Ferdy Lapuz at Robby Tantingco. Ang mahigpit na pagbabantay mula pre prod, sa shooting hanggang post production ng aming award winning na producer na si Dennis Evangelista kasama si Ferdinand Lapuz para makagawa ng isang obra".

Laut, Area at Child Haus ni direk Louie Ignacio, wagi sa Gawad Tanglaw; Madam Baby Go inaming sa movie industry nakatanggap ng medal at trophy

WALANG patid ang parangal sa mga pelikulang prodyus ng BG Productions International ng Queen of Award winning Maindie na si Madam Baby Go.
Sa loob ng 4 taon sa industriya, 'di na mabilang ang mga tropeyong naiuwi ng produksyon na nagbigay ng Best Actor awards kay Allen Dizon, Best Actress kina Ai Ai delas Alas, Nathalie Hart at Best Supporting naman kay Aiko Melendez.


Bawat laban sa ibang bansa ng mga pelikula, sinusuwerte ito.
Sey nga ni Madam Baby sa kanyang radio guesting sa Showbiz Galore sa DZRJ hosted by katotong Rodel Fernando, Rommel Placente at Mildred Bacud, 'di niya akalaing sa movie industry niya matatanggap ang mga medal and trophy mapa-local and international award giving body.



"Natutuwa nga ako, sa movie industry lang pala ako mapararangalan ng ganito karaming awards. Thankful ako sa lahat ng mga award giving bodies na nakare-recognize ng mga prodyus kong pelikula. Bilib ako sa lahat ng direktor ko,  kina direk Joel, Louie, Neil, direk Paolo, sa line producer ko, si Dennis Evangelista, very hands on sa lahat ng movie, sa lahat ng kanyang staff, kina Katya at Beauty, sa mga anak ko na tinutulungan ako, kay Sir Romeo Lindain. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Ganado akong magprodyus ngayon, walang nasasayang, puro award winning", pahayag ni Madam Baby.
Kamakailan, 3 sa pelikula ni direk Louie Ignacio ay nanalo sa Gawad Tanglaw.

AREA na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas kung saan wagi itong Special Jury Prize.
Dahil nga sa pelikulang Area, natupad ang dream ni Ai Ai na magka-award sa abroad kung saan siya ang tinanghal na Best Female Actor sa Queens World Film Festival last March 19 dahil sa pagganap niya bilang matandang pokpok.
Tinalo nito sina Amy Redford, Dorothea Hagena at  Karin Hanczewski. 
Part din ng pelikulang Area sina Allen Dizon, Ireen Cervantes, Sancho delas Alas, Sue Prado, Tabs Sumulong.  
Matatandaang nalo ring Special Jury Prize ang Area sa 12th Eurasia International Film Festival last September 30 sa Kazakhstan.

Student’s Choice naman ang Laut na kung saan personal choice ni direk Louie si Barbie Forteza na magbida rito. Tungkol ito sa mga Badjao na kinunan sa Pampanga at iba pang lugar.

Child Haus, tinanghal na Jury Prize for Best Children Film. Pinagbibidahan ito ng mga childstars na sina Therese Malvar, Mona Louise Rey, Miggs Cuaderno, Felixia Dizon, Erika Yu, Ina Feleo at Katrina Halili. 
Ayon kay direk Louie, ipinakikita niya sa Child Haus ang mga paghihirap na dinaranas ng mga may sakit na leukemia. Depende raw sa dami ng mga tumutulong ang magiging haba rin ng buhay ng mga bata dahil sa malaking gastos sa medication.
Samantala, back to back naman as Best Actor at Best Supporting Actress sina Allen Dizon at Aiko Melendez para sa pelikulang Iadya Mo Kami. Pinarangalan din sina Ferdy Lapuz -Best Story in Area; Gilbert Obispo- Best Editing Area; Cyrus Khan Best Production Design in Laut and direk Mel Chionglo -Natatanging Gawad Tanglaw Awardee.
Congratzzzzz team BG Productions International!

(Anne Venancio-Bendanillo)