Baeby Baste bagong endorser ng NeuBake Super
Slice ng Gardenia
ANG napaka-cute na si Baeby
Baste (Sebastian Benedict Granfon sa
totoong buhay) ang bagong endorser ng Neubake Super Slice ng Gardenia.
Ang Neubake Super Slice ng
Gardenia ay malalaki ang slices kumpara sa mga regular na white bread at sa
halagang P29, may 10 slice kana na tiyak na busog lusog gaya ni Baste.
Isa nga si Baste sa lucky
child stars dahil naka-6 endorsements na ito mula nang pasukin ang limelight at nakapag-invest na ito ng sasakyan
mula sa kanyang talent fee.
Nagsimula ang kanyang kasikatan
nang mapanood siya ng researcher ng Jessica Soho na nagda-dubsmash sa Youtube.
Available
na ito sa lahat ng leading supermarkets and convenience stores kaya mga mommy,
pagpasok palang ng grocery, hanapin na agad ang Neubake Super Slice ng Gardenia
para may pang-almusal at pang-meryenda na ang pamilya. Swak din ito na baon sa
school ng mga bulilits.
Samantala, bata palang si
Baste minulat na itong ng kanyang mommy Shiela how to share his blessings to
others.
Katunayan, wala pa nun si
Baste, active na sa charity si mommy Shiela. At ngayong kumikita na si bagets,
nagtatabi talaga ito para sa mga bata ng St. Andres Orphanage sa GenSan.
“Way
back 2008, nakita ko ang mga bata sa St. Andres orphanage, so tumutulong ako
pero after 2 yrs, dumating si Baste, kung anong merun ako, ‘di ko sila iniwan,
sinuportahan ko pa rin sila. Sinasabi ko sa anak ko, …Bash, sila ‘yung mga bata na kaluoy,
(kawawa), kaya mag-share rin tayo kung ano ang maibigay natin. Wala sila mama
kaya ikaw, you have a mama kaya i-love mo si mama, mag-show tayo ng love and be
a giver to those kids para kahit wala silang parents, maramdaman nila na mahal
namin sila”, kwento ni mommy Shiela.
Normal
kid pa rin daw ‘pag nasa bahay si Baste at napapagalitan ito ng kanyang parents
minsan dahil sa kakulitan.
Inamin
din ni mommy Shiela na nakapag-invest na ng sasakyan si Baste mula sa talent
fee nito at merun na itong 6
endorsements at kabilang na rito ang Neubake Super Slice ng Gardenia.
At
sa pasukan, gusto nitong i-enroll ang anak sa school, bagay na ikinatuwa ng
bibbong si Baeby Baste.